Thursday, October 28, 2010
Repost: Buhay nga naman :(
Sa buhay my nagagawa tayong tama at mali, pero kapag tayo'y nagmamahal nalalaman pa ba natin kung ano ang pagkakaiba ng tama at mali??
Minsan parang naisip ko sana laging ganito na lang, sana eto na lang palagi at sana kami na lang hanggang wakas. Sarap kaya gumising araw-araw na may bumabati ng “Magandang Umaga!!”,nagtatanong ng “Nagbreakfast ka na ba?”, at kakesohan ng “Kiss ko??, isa pa.” try mo. LOLs :))
Pero sabi nga nila kung may simula may wakas. Kaya minsan mahirap mag-open ng relasyon sa isang tao. Mamahalin mo, iingatan mo, gagalangin mo, pasasayahin mo, yun pala iiwan ka lang, pagpapalit ka lang sa iba dahil sawa na sa’yo. Sana kung wala akong sinimulan na ganun walang ending na iwanan, iyakan at tampuhan. Hindi madali pero sa pagtagal siguro makakasanayan na rin. Pero as usual hindi madaling gawin. Parang 100x na masakit sa kagat ng dinosaur. Sana nga kinagat na lang ako ng dinosaur kaysa iniwan nya ako.
Naalala ko pa nun. Magvvalentines day. Todo plano ako para sa Valentines Day. Iniisip kong i-surprise sya. My Valentine’s Day Concert kasi sila sa simbahan nun at active member siya sa simbahan nila kaya sabi ko baka bukas na lang natin i-celebrate kasi nga busy sya para sa concert nila. Alam kong busy sya kaya okay lang sa akin kahit na hindi sya nagtetext tulad ng dati. Kahit hindi nya ako sinipot sa Robinson Mall dahil nagkasabay sila nung bestfriend nya sa bus kaya umuwi na lang din sya. Kahit na malayo sya, faithful pa rin ako kasi nga mahal ko sya, ansaya kaya, try mo :))
Iniisip ko pa nun pag iipunan ko ung chocolate flavor na Red Ribbon Cake pati ung unan na bibilhin ko para sa kanya syempre pati flowers. That time kasi my trabaho ako, kakahired ko lang, inspired kasi kaya un, naghahanap ng pera pantustos, hehe :))
Xmpre hindi masaya ung Valentine’s Day ko nun kasi hindi na sya nagparamdam, sa isip ko nun “Multo nga nagpaparamdam sa mga mahal nila, ung buhay pa kaya?” Kaya ayun, senti modes lagi. Parang baliw, parang ansarap na lang magtrip tipong makikipagrelasyon lahit hindi mo mahal para kapag nagbreak okay lang..db??
Pero mali rin syempre yun. Sabi nila hindi maitatama ng pagkakamali ang isa pang mali. totoo nga kaya?? LOLs :))
Gusto ko na lang maging masaya. Choice ko naman yun. Mahirap maging seryoso, This time I will play it safely. No more taking risk. No more dramas about love. I killed that part of mine. Siguro sa tamang panahon at tamang tao. Pero sa ngayon.
TIME OUT muna ako…
Labels: Experiences, Failure, Inspiration, Life, Love